Kagawad todas sa mga armado
Pabs Hernandez III
Jan 2, 2019
1 min read
CAMARINES NORTE—Isang kagawad ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Batobalani, Paracale sa lalawigang ito.
Kinilala ang biktima na si Kagawad Lope Elnar, residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, sakay ng tricycle si Elnar nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments