top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Utol mo, Toni, waley… ALEX, GAYA-GAYA LANG KAY RUFA MAE, SABLAY NAMAN!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 31, 2018
1 min read

OUT of curiosity, pinanood din namin ang pelikulang Mary, Marry Me upang kilatisin ang chemistry ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na first time nagkasama sa isang project.

Obvious na inalalayan at nagpaubaya si Toni sa nakababatang kapatid na si Alex sa kanilang mga eksena. Lumutang ang malakas na character ni Alex bilang si Mary Anne, ang nawalay na kapatid ni Mary Jane (Toni).

Si Sam Milby (as Pete) na ex-BF ni Toni sa movie ang fiancé na nakatakdang magpa­kasal kay Mary Anne.

Well, underacting ang ginawa ni Toni sa pag-atake sa kanyang role sa Mary, Marry Me. Keri naman ni Alex ang umarte at magpakakikay sa movie. Pero, dapat ay pakaiwasan niya ang Rufa Mae style of acting dahil hindi bagay sa kanya. Hindi rin siya magkakaroon ng chance na mag-grow bilang isang serious actress. ‘Yun ang dapat bantayan ni Alex upang magkaroon siya ng sariling identity as an actress.

Eh, si Toni nga, nagsimula sa rom-com at comedy role, pero nag-level-up at naging seryosong aktres. Na-achieve naman ni Toni ang goal niyang makapag-produce ng pelikula na kasama ang kapatid.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page