Rider dedbol sa tricycle
- Pabs Hernandez III
- Dec 31, 2018
- 1 min read
PANGASINAN—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang angkas nito nang aksidenteng mabangga ng tricycle ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Cablong, Pozorrubio sa lalawigang ito.
Kinilala ang nasawi na si Roben Malacad, samantalang, ang sugatan ay si Alven Domenden, kapwa nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng tricycle na minamaneho ni Orencio Tacuel kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Malacad, samantalang, kusang sumuko sa pulisya si Tacuel.





Comments