Naka-11 trophies sa MMFF, pinagtaasan ng kilay… PELIKULANG IPINRODYUS NI HARLENE, HUMAKOT DAW NG AWA
- BULGAR

- Dec 31, 2018
- 2 min read

Rainbow's Sunset movie
AT dahil maluwalhati nating idinaos ang Holiday Season 2018, back to work na uli si yours truly na sobrang kinarir ang pangangaroling with PMPC carollers, sa true lang. Insert smiley, J!
First item… just heard from some showbiz insiders after the MMFF Gabi ng Parangal kung saan humakot ng maraming major awards ang Rainbow’s Sunset produced by Harlene Bautista of Heaven’s Best Entertainment na may ilang talunan daw na napaismid with matching dialogue ng… “Ikaw na ang maging QC mayor” na ang tinutukoy ay si Mayor Herbert Bautista na siofatid ni Harlene Bautista.
Susme, ano naman ang konek nu’n? Eh, talaga namang maganda ang istorya ng Rainbow’s Sunset at oks na oks ang acting dito ni Ms. Gloria Romero bilang Best Actress, Aiko Melendez bilang Best Supporting Actress, Tony Mabesa bilang Best Supporting Actor, Joel Lamangan bilang Best Director at Best Picture pa ang nasabing pelikula.
Nu’ng premiere night ay pinalad na maimbitahan si yours truly kaya knows namin na maganda ang istorya ng Rainbow’s Sunset at in pernes ay magagaling naman talaga ang mga artistang belong sa cast na masasabing veteran na talaga when it comes to acting. Pak, ganeeeern uli!
Du’n sa premiere night, na-sight ni yours truly si Romnick Sarmenta na nakaupo sa silya intended for Zeke Sarmenta na dyunak nila ni Harlene. Ewan lang kung nagkabalikan na sina Romnick at Harlene that night, ha?
Pero parang hindi, kasi magkalayo ang kanilang upuan na tipong so near yet so far. Pero narinig ni yours truly na nagpakawala ng dialogue si Romnick when interviewed by some TV reporters na tipong… “Yes, family is love…” with matching broadway smile.
At si Harlene naman ay tipong bumata at lumakas ang sex appeal that night na nag-speech muna bago ipinapanood sa amin ang nasabing pelikula.
Hmmnn…. puwedeng ang maging theme song that night nina Romnick at Harlene ay ‘yung awiting may lyrics that goes… “Umuwi ka na baby” or in English only, please ay… “Baby come back, you can blame it all on me… I was wrong and I just can’t live without you….”
Boom! Swak sa dalawa, devah naman?! If you agree, then spin a win, tsuk!





Comments