top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Matandang dalaga na gusto nang mag-asawa

ROMA AMOR
Dec 31, 2018
1 min read

Dear Roma,

Ako si Cherry, 50 years old. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong asawa kaya natatakot ako dahil hindi ko alam kung sino ang mag-aalaga sa akin sa mga susunod na taon? May mga pamangkin ako, pero sa ibang bansa sila nakatira dahil du’n na nagtatrabaho ang kapatid ko. Sa totoo lang, gusto akong kunin ng kapatid ko sa abroad, pero ayoko dahil gusto ko rito sa Pilipinas mamatay. Sa tingin ninyo, ano ang dapat kong gawin? Salamat! — Cherry

Cherry,

Alam mo, mamsh, walang impo­sible sa mundo, malay mo makatagpo ka pa ng bagong pag-ibig na makasasama mo hanggang nabubuhay ka pa. Ang payo namin sa iyo, huwag kang mag-isip ng negatibo nang sa gayun ay hindi nito maapektuhan ang kalusugan mo. Hiling namin na makahanap ka ng taong makaaagapay mo sa buhay. Kakayanin mo ‘yan, basta may pananalig ka sa itaas. Good luck at God bless!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page