Hirit sa mga pasaway: 2019 na, magbago na!


KUMUSTA ang naging 2018 mo?
May iba na sumakit ang ulo sa kaliwa’t kanang taas-presyo, meron din namang nagdiwang sa dagdag-suweldo o benepisyo.
‘Yung iba, napasabak sa negosyo at talagang bumenta habang meron ding medyo hindi na nakasabay sa matinding kompetisyon.
Marami rin ang nawindang sa iba’t ibang kontrobersiya hindi lang sa showbiz kundi maging sa politika at siyempre, hindi rin pahuhuli ang mga isyu o pangyayari na nag-viral sa social media.
Kasabay ng pagiging makulay at maingay nito, mabilis na natapos ang taon.
Gaanuman naging kabigat, huwag tayong panghinaan ng loob, ‘ika nga, every gising is a blessing at bukas, panibagong simula, pag-asa at pagkakataon na guminhawa.
‘Yung mga pagkakamali natin, puwede pang baguhin kung may mga hindi pa nagawa, may chance pang gawin.
Hangga’t nasa atin ang ipinagkatiwalang buhay, sulitin natin para naman sa ganitong panahon kasabay ng pagpapalit ng taon sa kalendaryo, may malilingon tayong magagandang bagay. Mula sa pagmamahal sa ating pamilya, kaanak at kaibigan hanggang sa paglilingkod sa ating kapwa.
Sa mga pasaway d’yan na walang mai-throwback kundi kalokohan, 2019 na, magbago na kayo!





Comments