Helicopter bumagsak, 4 patay
Jersey Sanchez
Dec 31, 2018
1 min read
BUMAGSAK ang helicopter dahilan para masawi ang apat na sakay nito sa emirate ng Ras Al-Khaimah.
Batay sa impormasyon, papunta ang helicopter sa Jebel Jais mountain para i-rescue ang isang lalaking sumabit sa zipline.
Ipinag-utos ng Ras Al-Khaimah ruler na si Sheikh Saud bin Saqr al-Qasimi, na imbestigahan ang insidente upang malaman ang sanhi ng pagbagsak ng naturang helicopter.
Nabatid na miyembro ng rescue team ang mga nasawi.





Comments