Batambatang abogado, inayawan… SIGAW NI KRIS: DOKTOR SA UTAK ANG HANAP KO!
- Nitz Miralles
- Dec 31, 2018
- 1 min read

DAPAT, ngayong December 31 ang balik sa bansa nina Kris Aquino, Josh at Bimby at mga kasama na nagbakasyon at nag-Christmas sa Tokyo, Japan. Pero dahil sa bagyong Usman, baka bukas o ilang araw pa sila sa Tokyo bago makabalik.
Habang nasa Tokyo pa, ibinalita ni Kris na sa kanyang pagbabalik, dalawang endorsements ang kanyang pipirmahan. Ang isa ay gusto niyang gawin dahil nagsusulong ng women’s health and economic empowerment.
Ang isang endorsement naman, kasama niya sina Josh at Bimby at magpo-promote ng truth about nutrition for children. Sa tangkad nina Josh at Bimby, hindi raw sila mahihirapang panindigan ang produkto.
Anyway, natukso na naman si Kris kay Atty. Gideon Peña dahil sa isang video, makikitang magkaharap silang kumakain. May nag-comment kasi na sana, sila na lang ni Atty. Gideon dahil mukha itong caring and responsible.
“He is way too young. I think someone in his mid-40s will be good, non-smoker, and a doctor. My friend Lucy said to be specific with my prayers. So I’ve been praying for a neurologist or immunologist or anaesthesiologist,” sagot ni Kris.
Dagdag ni Kris sa patuloy na nagsi-ship sa kanila ni Atty. Gideon, “I believe God has a better plan & partner for @the.mightywarrior” at “I think we care for each other as friends but we are close enough that he knows and unnamed person will always have a portion, never mind how small, but a part nonetheless of my heart.”





Comments