top of page
Pokwang.jpg

Pasko mo, sagot ni Bulgarito winners, kilalanin!

Thea Janica Teh
Dec 30, 2018
1 min read

HELLO, Bulgarians! Ang Pasko ay panahon kung saan mas lalo nating ipinararamdam sa ating mga mahal sa buhay ang pagmamahal na deserve nila. Ito rin ang panahon para magkasama-sama ang buong pamilya at sabay-sabay kakain ng kanilang noche buena.

Kaya marami ang naantig ang damdamin sa mga kuwentong ibinahagi ng mga sumali sa Pasko mo, sagot ni Bulgarito at isa na rito si Sen. Cynthia Villar. Dahil naniniwala si Sen. Villar sa adhikain ng BULGAR na mapadama ang tunay na diwa ng Pasko at ito ay ang pagsasalu-salo ng bu­ong pamilya sa araw na ito.

Kaya mula sa BULGAR at kay Sen. Cynthia Villar ay inihatid namin ang simpleng noche buena sa mga nanalo rito. Ito ay sina Conrada Joson ng Lipa, Batangas; Teresita San­tiago ng Marilao, Bulacan at Rany Bustarde Balles­teros ng Binondo Manila.

Maraming-maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay sa diyaryong BULGAR at sa pagba­hagi ng inyong kuwento na tunay na nakapagbigay-inspirasyon sa ating lahat.

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page