top of page
Pokwang.jpg

Para sa datung, kahit pagod na… PAGPAPATAWA NI VICE, OBYUS NA PILIT NA PILIT NA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2018
1 min read

NO offense meant kay Vice Gan­da, pero napan­sin at naramdaman lang namin na pagod na siya sa ginagawa niyang pagpapatawa sa pelikula, lalo na sa yearly entry niya sa MMFF.

Malaking pressure at obligasyon ang nakaatang sa kanyang balikat dahil sa mataas na expectation sa kanya ng lahat. Dapat ay super duper box office hit ang pelikula niya sa MMFF. Dapat ma-maintain niya ang pagiging No. 1 top grosser sa filmfest.

Lahat ng kasaling movie productions, pinaghahandaan ang Vice Ganda mo­­vie, at malaking hamon ‘yun kay Vice Ganda lalo na’t wala na ang dati niyang ka-tandem na si Direk Wenn Deramas na kabisa­dung-kabi­sado ang mga ek­se­­nang papa­tok sa mga movie­goers.

Nang mapanood namin ang peliku­lang Fanta­stica ni Vice Ganda, napan­sin naming medyo pa­god at hirap na siyang magpatawa. Gina­gawa na lang niya ang lahat upa­ng hindi mabigo ang mga batang suki ng kanyang pelikula sa filmfest.

Sumentro ang istorya ng Fantas­tica sa peryahan, na sinamahan ng fantasy. May spoof pa sa madadramang eksena nina Kath­ryn Bernardo at Daniel Padilla sa peli­kula, plus eksena ni Atty. Jose Sison ng Ipaglaban Mo.

Kung gusto ni Vice Ganda ng bago sa kanyang character, bakit hindi niya subukan na lagyan ng touch of drama ang susunod niyang filmfest movie?

Ang Comedy King na si Dolphy, nang ginawa ang Tatay Kong Nanay with Niño Muhlach, nanalong Best Actor sa MMFF Awards Night.

Pansamantalang iwan ni Vice Ganda ang mga jokes niya sa comedy bars para mag-level-up siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page