Kumalat sa Twitter… MAINE AT VICE, SINABIHAN DAW NA WA' 'WENTA ANG MOVIE NG ISA'T ISA
- BULGAR

- Dec 30, 2018
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

Left: Alleged fake tweet
MAY kumakalat ngayon sa social media na diumano’y nagsagutan ang Unkabogable Star ng ABS-CBN na si Vice Ganda at ang Phenomenal Star ng GMA Network na si Maine Mendoza.
Bukod kasi sa magkatapat ang kanilang araw-araw na noontime show — It’s Showtime kay Vice at Eat… Bulaga! naman ang kay Maine — magkalaban din ang kani-kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2018.
Si Vice Ganda ang bida sa official entry na Fantastica kasama ang bigating leading men na sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez, samantalang si Maine naman ang leading lady ni Coco Martin sa Jack Em Popoy: The PulisCredibles, kung saan ay kasama rin nila si Bossing Vic Sotto ng Eat… Bulaga!.
Napag-alaman na opening day pa lang ng MMFF noong December 25 (Martes) ay kumakalat na sa Twitter ang screenshot ng mapanirang tweet, na diumano’y sinabihan ni Maine na walang kabuluhan ang pelikula ni Vice.
“Nakakaloka ‘yung Fantastica! The most nonsense movie of all time! #JackEmPopoyUnangPanoorin,” pahayag ng fake tweet ni Maine.
Sa screenshot ng fake tweet na kumakalat ay may sagot din ang Unkabogable Star.
Sagot ni Vice kay Maine sa fake tweet, “Thanks for watching. Haven’t seen your movie yet. Mukha kasing wala ring kwenta. #SorryNotSorry #FantasticaNowShowing.”
Hindi malinaw kung sino ang nagpakalat ng mapanirang tweet na ito, pero halatang-halata na gusto nilang siraan ang pelikula ng dalawa, gayundin ang pag-awayin ang mga sangkot. Kaya nang makarating ito kay Maine ay agad siyang nagbigay-linaw tungkol sa fake tweet na kumakalat.
Aniya, “Yikes! Paskong-Pasko wala pa ding magawang matino ‘yung ibang tao. This is edited, guys. Pero nood na lang din kayo Jack Em Popoy at Fantastica para happy tayong lahat.”





Comments