Inaway, pumalag… RYZA SA KAMPO NI MAINE: ANG KIKITID NG UTAK N'YO!
- Nitz Miralles
- Dec 30, 2018
- 1 min read

WE beg to disagree, hindi lang ngayon sumasagot sa mga bashers si Ryza Cenon, noong airing pa ang Ika-6 na Utos, ilang beses na rin siyang sumagot sa mga viewers na umaaway sa kanya dahil lang sa role niyang kontrabida sa soap. Kapag mali ang mga viewers, sumasagot siya.
Nangyari ito ngayon nang may fans na nagalit sa kanya dahil hindi raw niya binanggit ang pangalan ni Maine Mendoza nang tanggapin niya ang FPJ Memorial Award para sa pelikulang Jack Em Popoy nina Vic Sotto, Maine at Coco Martin.
Tanong ng mga fans, galit daw ba si Ryza kay Maine kaya hindi niya binanggit ang pangalan nito? It turned out na hindi si Ryza kundi staff ng APT Entertainment ang tumanggap ng award at napagkamalan lang si Ryza.
Kaya nag-tweet si Ryza para linawin na hindi siya ang tumanggap ng award. May nag-sorry sa kanya, pero may patuloy na nakikipagtalo sa aktres.
Kaya sabi nito, “Ok lang ako. Happy New Year mga bashers. Magba-Bagong Taon na, baguhin n’yo na rin ‘yung makikitid n’yong utak. Lagyan n’yo ng laman ‘yan... ‘yung makabuluhan naman okidokie? God bless you all!!!”
Hindi rin naniwala si Ryza na part ng pagiging artista ang pamba-bash.
“Yes part ng pagiging artista ang magbigay ng reviews sa ginagawa naming trabaho. Pero sirain ka at sisihin ka sa hindi mo ginawa, hindi part ‘yun ng pagiging artist, dear, paninirang puri ‘yun, magkaiba ‘yun. Wala kang alam kasi wala ka sa lugar namin.”
Malinaw ‘yan, hindi dahil may pinagdaraanan si Ryza — kung totoo mang break na sila ni Pocholo Barretto — kaya siya sumagot sa mga fans.




Comments