INAAYOS NA ANG PAGBABALIK LARO NI BLATCHE SA GILAS PILIPINAS


KUMPIRMADO na sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na magbabalik laro si naturalized center Andray Blatche sa Gilas Pilipinas.

Excited na nabanggit na noong una ni Blatche na susuotin na raw nitong muli ang national colors sa 6th window ng FIBA World Cup Asian Qualifers sa 2019.
Sa ngayon, ayon kay SBP President Al Panlilio inaayos na nila sa panig ni Blatche ang mga detalye ukol dito.
Magugunitang hindi napabilang ang pangalan ng 6-foot-10 big man sa 20-man line-up ni Guiao na naglaro sa back-to-back home games noong Nobyembre 30 at Disyembre 3. Bagamat puwede na sana noon na makapaglaro si Blatche sa face-off kontra Iran dahil tapos na ang kanyang three-game suspension na ipinataw ng FIBA. Pero kahit ganoon ang nangyari ay nais pa rin daw nito na maglaro sa national team. (MC)





Comments