top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Bukod sa puwede itong gawing alahas...GINTO, EPEKTIB NA PAN-DETECT NG CANCER CELLS!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 30, 2018
2 min read

ANG ginto ay ki­lala bilang uri ng ak­sesorya o kagami­tan. Pero, ayon sa mga eks­perto, ang maliliit na piraso ng ginto ay may kakayahang maka-detect ng cancer cells sa dugo ng pasyente gamit ang blood test. Wow!

Maraming proseso ang kailangang gawin upang tuluyang ma-diagnosed ang indibidwal na mayroong cancer. Kabilang na rito ang biopsy na ayon sa mga siyentipiko, matagal na proseso ito kung saan kailangang kumuha ng parte ng organ o balat mula sa pasyente para gamiting sample sa mga pagsusuri.

Ngunit, ayon sa pag-aaral, ang paggamit ng piraso ng ginto sa blood tests ang sinasabing pinakamadaling paraan upang mabilis na ma-diagnosed kung may cancer ang pasyente.

Ayon sa mga resear­cher, natagpuan nila ang cell na kaugnay sa breast at prostate cancers na mayroong “signa­ture” pattern ng molecules sa DNA.

Napag-alaman ng mga researcher na ang pattern ng molecules na nasa DNA ang nagkokon­trol sa genes na iba ang hitsura sa cancer cells.

Maliban pa rito, ang mga molecule ay dumi­dikit uma­no sa ginto kaya mas madali itong naki­kita.

Ang nanoparticles sa ginto ay nagla­laman ng solution na nagiging reddish at blue kapag malusog ang cells na nakita sa test habang hindi naman nag-iiba ang kulay nito kapag may natagpuang cancer cells.

Ayon sa mga eksperto, pinaniniwalaan ng mga ito na ang paggamit ng ginto sa blood tests ang pinakamabilis na paraan upang ma-diagnosed ang pasyente dahil sa loob lamang ng sampung minuto ay makikita na ang resulta. Amazing!

Sa ganitong paraan, hindi na kakailanganin ang pagsasagawa ng mapro­sesong biopsy.

Talaga namang nakabibilib ang mga kayang gawin ng mga bagay na akala natin ay iisa lang ang purpose sa mundo, lodi!

Kaya kung naghihinala kayo na posibleng may cancer ang kakilala o kapamilya ninyo, eh, alam n'yo na, ha?

Pero, upang makasigurado, huwag tayong magdalawang isip na hingin ang opinyon ng mga dalubhasa dahil sila pa rin ang nakaaalam kung ano ang dapat gawin, be sure lang na palagi kayong healthy.

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page