Buking na may suot nang singsing… CARLA, NAG-SMILE LANG NANG MATANONG KUNG KASAL NA SILA NI TOM


SINAMAHAN nina Carla Abellana, Ashley Rivera, Jan Manual, Kelvin Miranda, Arianne Bautista, Martin del Rosario at Liezel Pecson ang Team Bubble Gang sa isang napakabonggang New Year offering nu’ng Friday night.
Bukod sa mga resolutions ay mga problema ng mag-asawa ang itinampok sa comedy/gag program.
Naging tampulan ng tukso si Carla dahil naispatan ng sexy BG girls (Kim Domingo, Chariz Solomon, Jackie Rice, atbp.) ang suot niyang solitaire ring.
Kasal na ba sila ng kanyang tall, handsome and macho BF na si Tom Rodriguez?
Carla is not commenting, smile lang ang namutawi sa kanyang lips. Tipong your guess is as good as mine!





Comments