top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Super-mahal pa ng tiket kaya tagilid langawin… CONCERT SA 'PINAS NI SEUNGRI NG BIG BANG, BIGLAAN

Lee Vin Nia
Dec 29, 2018
2 min read

NAG-TRENDING kahapon sa Twitter Philippines ang hashtag na #SeungriInManila dahil sa announcement na inilabas ni Seungri ng Big Bang sa kanyang Instagram post that he’s having a concert in Manila on January 19, 2019.

Titled The Great Seungri Tour 2019 Live in Manila: The Seungri Show, ga­ganapin ang concert sa SM Mall of Asia Arena, at 8 PM.

Pero last Monday pa ay inanunsiyo na rin ng Loong Studio (the concert’s organizer) sa kanilang website ang tungkol sa concert, wala nga lang yatang masyadong nakabasa kaya kahapon lang ito umingay nang i-post mismo ni Seungri.

Ang daming nagulat sa nasabing announcement especially ang mga fans ng pinakabatang member ng Big Bang dahil biglang-bigla naman daw yata ito at pa­rang kulang sa preparasyon.

Bale ba ay ngayong Sabado na bubuk­san ang ticket selling na may mga presyong P11,000, P10,000, P8,500, and P6,500.

Marami tuloy ang nagwo-worry na baka kakaunti lang ang makabili ng tickets dahil biglaan at holidays pa.

“#SeungriInManila will be the toughest fight PH VIPs go through. Announced a day before ticket selling. Less than a month til concert itself. Seat plan and perks will be released same time as ticket selling starts. @ForvictoRi and VIPs don’t deserve this lack of concrete planning,” tweet ng isang netizen.

‘Yung iba ay pabirong nagtanong kung wala raw bang installment payment. Pero ang nakakatuwa, sa kagustuhan ng mga fans na kumita ang concert, may nag-offer na ng financing program para sa hindi makaka-avail ng tickets ngayon, na babayaran nila ang tickets at tipong pay later.

Ang iba naman ay umapela sa lahat ng kapwa fans na i-promote at suporta­han ang concert.

“I don’t want Seungri to leave with a heavy heart. Please help promote his tour in Manila despite it being sudden,” tweet ng isang fan.

“Please support #Seun­­g­riInManila guys. He deserves so much after putting so much effort in the tour, to talk to us, to update us. He carried us on his back so y’all go and show some support,” tweet na­man ng isa.

Another tweet stated, “He kept his promise to come back. Now it’s our turn to hype him and show our support.”

Target ng mga fans na ma-sold-out ang tickets tulad ng mga naunang concerts ng Big Bang.

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na nag­punta si Seungri (whose real name is Lee Seung Hyun) sa ‘Pinas. Nagpunta na siya sa bansa noong 2017 and 2018.

Sinasabi ring baka ito na ang last concert tour ni Seungri dahil magpapa-enlist na ito sa military next year para samahan ang mga kapwa-Big Bang members na sina T.O.P., G-Dragon, Daesung and Tae­yang na pawang nasa military lahat ngayon.

Wala pang enlistment date si Seungri although may tsismis na baka sa March na ito.

Sa Feb. 23 ay nakatakda ring magkaroon ng solo concert ang “maknae” (Korean word for youngest) ng Big Bang sa Singapore.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page