Simbahan binomba, 2 nadale
DALAWA katao ang sugatan matapos ang pagsabog sa harap ng simbahan sa Athens, Greece.
Iniwan sa labas ng Orthodox Church of Saint Dionysius ang hindi pa malamang uri ng bomba.
Nagtamo ng sugat sa mukha at kamay ang isang police officer habang sinusuri nito ang umano’y suspicious package.
Kabilang din sa nasugatan ang caretaker ng simbahan na siyang nakadiskubre ng bomba.
Kinondena ni Prime Minister Alexis Tsipras ang insidente.
Samantala, naglunsad na ng imbestigasyon ang pulisya sa naturang lugar.





Comments