Para maganda ang simula ng 2019 mo, besh! 7 PANINIWALANG MAGDADALA NG SUWERTE SA ATING BUHAY SA PAGS

MAGSUOT tayo ng kulay pulang damit o kaya polka dots, pera raw ‘yun. Bayaran na natin ang lahat ng utang natin bago matapos ang taon, suwerte raw ‘yun. Hindi maitatangging napakaraming pinaniniwalaang pamahiin sa Pilipinas lalo na at dalawang araw na lang ay Bagong Taon na. Narito ang ilang pamahiin na kalimitang sinusunod ng ilan sa atin tuwing papalapit na ang pagpapalit ng taon.
1. MAKE AS MUCH NOISE AS YOU CAN TO SCARE AWAY EVIL SPIRITS. ‘Yung halos matanggal na ang tutuli natin dahil sa sabay-sabay na nag-iingay ang mga tao tulad ng pagkalampag sa yero, kaldero, pagbusina ng mga sasakyan at iba pa. Well, kung epektibo naman sa pagpapalayas ng mga masasamang espiritu, why not?
2. OPEN ALL DOORS, WINDOWS, CABINETS AND DRAWERS TO LET GOOD FORTUNE IN. Suwerte raw ito dahil sa pagpapalit ng taon, maraming blessings ang bubuhos kaya kailangang buksan ang pinto, bintana, cabinet at iba pa dahil panahon umano ito ng mga biyaya.
3. DEBTS MUST BE PAID OFF. Pinaniniwalaan ito ng karamihan sa mga Pilipino para raw sa susunod na taon ay mas maaliwalas ang pagpasok sa atin ng pera dahil bayad ang lahat ng utang natin bago matapos ang taon. Bayad utang pa more! Char!
4. CLEAN EVERYTHING. Pampabuwenas daw ito dahil mas gusto ng grasyang pumasok sa malinis na bahay kaysa sa magulo at maraming kalat, kaya bago sumapit ang Bagong Taon, eh, linis-linis din ‘pag may time!
5. WEAR POLKA-DOTS. Kahit anong damit basta may design na bilug-bilog o polka-dots dahil sabi nila sumisimbolo raw ito ng kaunlaran, kaya make sure na na-ready na ninyo ang polka-dots ninyong damit. Okie? He-he-he!
6. SCATTER COINS AROUND THE HOUSE. Sa lahat ng lugar, beshie, as in, kahit sa suluk-sulok, loob ng cabinet at iba pang lugar sa bahay ninyo dapat daw ay may nakakalat na barya dahil masuwerte nga raw ito, kaya bes, tara na at magpabarya na tayo!
7. JUMP TWELVE TIMES AT MIDNIGHT TO INCREASE YOUR HEIGHT. Maraming umasa at umaasa sa pamahiing ito, hindi natin sinasabing ‘yung mga kinulang sa height, pero parang ganu’n na nga. He-he-he! ‘Yun na nga, pinaniniwalaan kasing nakatatangkad daw ang pagtalon ng 12 beses sa pagsapit ng hatinggabi ng Disyembre 31 o New Year’s Eve. Well, kung sumunod tayo rito at tumalon, pero hindi naman tumangkad, siguro matulog na lang tayo next time, just kidding! Ha-ha-ha!
Marahil, marami ang naka-relate sa mga superstitious na ito. Gayunman, ‘ika nga, ang mga paniniwalang ito ay gabay lamang at mayroon tayong free will para sundin ito. So, kung sumunod man tayo o hindi, eh, it‘s up to us. Tandaan na lamang na wala pa ring mas hihigit sa pagiging masuwerte kundi ang pagiging “blessed” sa trabaho, kaibigan at pamilya.
So, alam mo na, bes, ha?





Comments