Most wanted timbog
Pabs Hernandez III
Dec 29, 2018
1 min read
PAMPANGA—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Mitla, Porac sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si El Valencia, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na inaresto ng mga awtoridad si Valencia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong paglabag sa Presidential Decree 533 o cattle rustling.
Hindi nanlaban si Valencia nang dakpin ito ng pulisya sa naturang lugar.





Comments