top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Laborer sugatan sa welder

Pabs Hernandez III
Dec 29, 2018
1 min read

PANGASINAN—Isang laborer ang sugatan nang saksakin ng welder, kamakalawa sa Bgy. Salay, Mangaldan sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Jomel dela Cruz, samantalang, ang suspek ay si Julius Naraja, kapwa residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nag-iinuman umano sina Dela Cruz at Naraja, kasama ang ilan nilang kaibigan nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Ginagamot na sa ospital si Dela Cruz, samantalang, agad nadakip ng mga nagrespondeng awtoridad ang suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page