Kahit labhan mo pa raw ito everyday, mamsh! PANTALON NA KAYANG TUMAGAL NG 100 TAON, PATOK!
- Jersy Sanchez
- Dec 29, 2018
- 2 min read

MARAMI sa atin ang hirap sa pamimili ng pantalon dahil sa pagkonsidera sa iba’t ibang bagay tulad ng quality, babagayan na pantaas at siyempre, ang presyo. Pero, mga lodi, knows ba ninyo na mayroon nang naimbentong pantalon na kayang tumagal ng 100 taon?
Wow! Totoo ba ‘yan?
Ayon sa brand na Vollebak na nakadiskubre nito, gawa umano sa tatlong layer ng matitibay na materyal ang pantalon kung saan hindi ito basta-basta masisira sa kahit na anong puwedeng paraan. Ang pantalon ay nagkakahalaga ng $645.
Sa unang layer, ito ay water repellant nang sa gayun ay hindi basta-bastang mada-damaged ang pantalon. Ang gitnang layer ay fire proof na nagiging airbag kapag tumataas ang temperatura.
Dahil dito, nagiging barrier ito sa pagitan ng binti at apoy habang ang pangatlong layer naman ay aramid fiber kung saan hindi ito nasusunog o natutunaw, mayroon din itong extra protection na naibibigay.
Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga kasuotan na fire resistant ay gawa sa mabibigat na materyal at kemikal, ngunit, ayon sa nakadiskubre nito, ang pantalon ay kayang mag-adjust sa katawan nang sa gayun ay gumanda ang fit nito sa iba’t ibang aktibidad na nais gawin ng gagamit nito tulad ng pag-akyat sa bundok, pagyo-yoga at maging sa casual na lakad.
Gayundin, binuo nila ang nasabing pantalon para sa mga rescuer nang sa gayun ay hindi sila mahirapang mag-rescue kahit matindi ang sunog o baha.
Samantala, pinatunayan ng Vollebak na kayang tumagal ng 100 taon ang bagong pantalon sa pamamagitan ng Martindale Abrasion Resistance Test kung saan ang mechanical thumb ay ikinukuskos sa tela ng pantalon hanggang sa masira ang fabric nito.
Ayon sa mga eksperto, ang regular na polyester fabric ay tumatagal lamang ng 25,000 cycles, ngunit, ang materyal ng pantalon ay kayang lumagpas ng 100,000 beses ng suot.
Sa katunayan, gumamit pa ng magnifying glass ang mga eksperto upang makita kung may nasirang fiber dito, pero wala silang natagpuan kahit maliit na damage.
Kaya sa mga lodi natin diyang mataas ang standard sa pamimili ng pantalon, tiyak na ito na ang pasok sa standard ninyo.
Medyo pricey nga lang. pero kung 100 years naman ang itatagal, eh, why not, ‘di ba?
Gets mo?





Comments