Bebot, kinukulit makipag-sex KAPITBAHAY PINUTULAN NG ‘MANOY’
- Jersey Sanchez
- Dec 29, 2018
- 1 min read
PINUTOL ng babae ang ari ng kanyang kapitbahay na stalker sa India.
Ayon kay Senior Inspector Gajanan Kabdule, dalawang lalaki ang kinasabwat ng babae para tagain ang ari ng biktima.
Ayon sa 42-anyos na suspek, nagawa niya ang krimen upang turuan ng leksiyon ang kanyang stalker dahil ilang beses na umano siyang inalok ng biktima na makipagtalik.
Pagkatapos ng krimen, naisipan ng suspek na kailangan niyang dalhin sa pagamutan ang biktima.
Ayon kay Kabdule, narekober na ang ari ng biktima at patalim na ginamit bilang pamputol dito.
Patuloy na nagpapagaling ang biktima sa ospital.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at dalawang kasabwat nito habang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon.





Comments