top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

YEARENDER: MGA CHAMP NG NCRAA, NAASCU, UCBL AT ISAA

A.Servinio
Dec 28, 2018
1 min read

ANG mga pangalang Jorey Napoles, Cyrus Tabi at O’Neal Arim ang ilan sa nagpatunay na hindi kailangang mag-aral sa isang malaki at tanyag na paaralan upang maabot ang tagumpay sa basketball matapos nilang mapili sa nakaraang PBA draft. Patuloy pa rin sa 2018 ang pagsikap ng mga sinasabing maliit na liga upang makatuklas ng susunod sa kanilang mga iniwang malaking yapak.

Iniuwi ng Saint Clare College of Caloocan ang kanilang ikatlong sunod na kampeonato sa National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU). Tinapos ng Saints ang torneo na walang bahid ng pagkatalo sa loob ng 10 laro kasama ang dalawang panalo sa Enderun Colleges sa Finals. Sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA), itinanghal na kampeon ang Olivarez College. Nagtrabaho ng husto ang Sea Lions kontra De Ocampo Memorial College upang makuha ang ikatlong tropeo para ihanay sa kanilang mga tropeo noong 2010 at 2013.

Winakasan ng La Consolacion College-Manila ang tatlong taong paghahari ng PATTS College of Aeronautics sa Inter-Scholastic Athletic Association (ISAA). Huling nakatikim ng kampeonato ang Blue Royals noong 2013.

Kinoronahan ang Diliman College sa Universities and Colleges Basketball League (UCBL). Tinalo ng Blue Dragons ang Olivarez upang maging ikatlong magkaibang kampeon sa tatlong taon ng liga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page