Pusher tiklo sa drug-bust
Pabs Hernandez III
Dec 28, 2018
1 min read
NORTH COTABATO—Isang drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Kabacan sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Donald Sanchez, residente ng nasabing barangay.
Nabatid na tatlong sachets ng shabu at markadong pera ang nakumpiska ng mga awtoridad sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na si Sanchez na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments