Nagpasaklolo sa pulis KARNAPER, NAKULONG SA TATANGAYING KOTSE, TIKLO
- Jersey Sanchez
- Dec 28, 2018
- 1 min read
NAKULONG ang isang menor-de-edad sa sasakyan na balak nitong nakawin sa Norway.
Ayon sa ulat, tumawag sa himpilan ng pulisya ang suspek para humingi ng tulong dahil na-trap umano ito sa loob ng kotse.
Nakaparada sa labas ng shop ang sasakyan na balak nakawin ng suspek ngunit, hindi pa mabatid ng pulisya kung paano na-lock ang pintuan nito.
Ayon sa pulisya, kilala na nila ang suspek dahil sa nauna nitong nagawang krimen.





Comments