Kung sa serye raw ni Julia dati, dedma… COCO, IPINROMOTE ANG MOVIE NINA ANNE AT VICE GANDA, PINALAG


ANG daming bumilib na netizens kay Coco Martin nang batiin niya at i-promote ang mga kalaban niyang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2018.
Nag-post ang bida ng Jack Em Popoy: The PulisCredibles ng posters ng Aurora ni Anne Curtis at Fantastica ng best friend niyang si Vice Ganda at pinuri ang dalawang pelikula.
Caption ni Coco sa poster ng Aurora, “Sana mapanood po ninyo ang pelikula na ito, napakaganda po ng pagkakagawa!!! Congrats Mam sa sunod-sunod na magagandang pelikula mo!!”
Si Anne ay nakasama ni Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano kaya hindi naman kataka-takang suportado niya ang aktres.
Sa comments section ay sumagot si Anne at nagpasalamat sa Kapamilya Primetime King. Aniya ay sobrang touched siya at tila napaiyak pa nga.
“Salamat Mister Officer! Huhu. Na-touch ako. Thank you!!!! Sana makagawa din tayo one day!! Congratulations din sa buong team n’yo at ang lakas din ng movie n’yo!!!!” ang reply ni Anne.
Marami ang pumuri kay Coco sa gesture niyang ito, pero meron din namang kumuwestiyon kung bakit ang seryeng Asintado ng rumored girlfriend niyang si Julia Montes ay hindi man lang nito nai-promote noon.
Sa Fantastica poster naman na ipinost ni Coco ay nilagyan niya ito ng caption na: “Congrats sa lahat ng bumubuo ng Fantastica, napasaya natin ang buong Pilipinas sa araw ng Pasko!!!”
Wala pang ibinibigay na unofficial ranking ang Metro Manila Film Festival Committee sa 8 entries na naglalaban pero base sa mga bulungan sa loob ng showbiz, No. 1 ang Fantastica at No. 2 naman ang Jack Em Popoy: The PulisCredibles nina Coco, Vic Sotto at Maine Mendoza.





Comments