Kaya make sure na marunong kang makinig, besh! MGA PARAAN UPANG MAKAIWAS SA DISGRASYA NGAYONG BAGONG

APAT na tulog na lang at 2019 na, pero wait, bago tayo mag-ingay at magsaya, mayroong mga paalala na dapat nating isaalang-alang sa pagsalubong sa Bagong Taon. Alamin ang ilang tips kung paano magiging masaya pero ligtas sa New Year’s eve:
1. DON’T DRIVE WHEN DRUNK. ‘Yan tayo, mga besh, eh! Kapag nakainom na ng alak, huwag na nating piliting magmaneho dahil for sure, disgrasya ang maidudulot nito, kung hindi na talaga kaya at wala na sa huwisyo, magpa-drive na lang sa iba o kaya ay magpahinga muna. Okie?
2. BE PATIENT. Habaan mo ang iyong pasensiya sa pagsalubong sa Bagong Taon, besh! Huwag kang mainip dahil sa pagmamadali, maraming nangyayaring mali. Kaya chill lang tayo at huwag matigas ang ulo. Copy?
3. SELF-REGULATE. Dapat alam na natin ang mga limitasyon sa paggawa natin ng mga aksiyon. Magkaroon tayo ng sariling rules and regulations sa pagsalubong sa Bagong Taon. ‘Ika nga, mas safe, mas better!
4. HAVE FUN BUT KNOW YOUR RESPONSIBILITIES. Oks lang na mag-ingay, magsaya, tumalun-talon at marami pang iba. Pero make sure na dehins ninyo makalilimutan ang responsibilidad ninyo bilang tao at mamamayan. Maging aware tayo sa mga kawatan at mga paputok na delikado ngayon dahil for sure, nagkalat na ang mga ‘yan para lamang kumita ng pera at makapanlamang. Tsk!
5. LISTEN. Oo, lodi! Matutong makinig kina nanay at tatay para masigurado natin ang ating kaligtasan. Kapag pinagsabihan na tayong huwag magpaputok, maglasing at maglakwatsa, huwag na natin itong gawin dahil baka imbes na sa bahay tayo magdiwang ng Bagong Taon, eh, sa ospital pa ang punta natin sa araw na ‘yun.
Oh, ayan, mga beshy, mas better kung susundin ninyo ang ilang tips na ito upang mas maging masaya at ligtas kayo sa pagsalubong sa paparating na taong 2019.
Gets mo?





Comments