Cadbury GenerosiTREE, nagpasaya sa libu-libong tsikiting!

HELLO, Bulgarians! Sabi nga, ang Pasko ay panahon ng pagbibigayan at kasiyahan ng buong pamilya saanman sa mundo. Kaya ang Cadbury, hindi lang nagbigay ng sweetness ngayong kapaskuhan kundi pati na rin ng kasiyahan sa mga ngiti ng mga tsikiting.
Sa Cadbury GenerosiTREE, nagkaroon lahat ng chance na magbigay ng saya sa mga tsikiting sa pamamagitan ng pag-donate ng pre-loved toys kapalit ang Cadbury gift packs! Ang lahat ng nakolektang laruan ay ibibigay sa Mondelez International Joy School Program kung saan layunin nilang pasayahin at maging positibo sa pamumuhay ang mga tsikiting. Ang programang ito ay nagsimula noong 2011 sa 5 Southeast Asian Country kabilang ang Philippines, Thailand, Indonesia, Malaysia at Vietnam. Gayundin, layunin ng programang ito ang pagbibigay ng edukasyon tungkol sa nutrisyon, pag-promote sa active play at pagbibigay ng masusustansiyang pagkain sa loob ng 9 buwang feeding program.
Sa Pilipinas, aabot sa 4,500 kabataan mula sa 16 eskuwelahan mula sa Parañaque, Pasay, Manila, Pateros, Muntinlupa, Tacloban, Quezon City at Marikina ang mabibigyan ng mga ngiti sa kanilang mga labi dahil sa mga laruan, libro, damit at marami pang iba. Napakasarap sa pakiramdam ang mamahagi ng mga gamit natin, lalo na at alam nating mapupunta ito sa mabuting mga kamay at siguradong nakapagpasaya tayo ng maraming kabataan.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments