Batang babae ginahasa ng pinsan
Pabs Hernandez III
Dec 28, 2018
1 min read
CAGAYAN—Isang 10-taong gulang na batang babae ang ginahasa ng kanyang pinsan, kamakalawa sa bayan ng Allacapan sa lalawigang ito.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Daisy”, residente sa naturang bayan.
Samantala, hindi muna pinangalanan ang suspek hangga’t hindi ito nadarakip ng pulisya.
Ayon sa biktima, dinala umano siya ng kanyang pinsan sa matalahib na lugar sa nasabing barangay at dito siya ginahasa.





Comments