Bangkay ng kelot natagpuan
Pabs Hernandez III
Dec 28, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang bangkay ng hindi kilalang lalaki ang natagpuan, kamakalawa sa Bgy. San Vicente Centro, Urdaneta City sa lalawigang ito.
Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima.
Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na may mga pasa sa katawan sa nabanggit na barangay.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para makilala ang mga salarin at motibo sa pamamaslang sa biktima.





Comments