2 kelot nagdala ng pekeng baril sa airport, arestado
NAKARAMDAM ng takot ang mga tao nang maglabas ng replica ng baril ang dalawang lalaki sa Charles de Gaulle Airport sa Paris.
Nag-evacuate ang mga pasahero mula sa Terminal 2 sa loob ng 45 minuto.
Napag-alaman ng pulisya na ang isa sa mga naaresto ay Russian national habang ang kasama nito ay French na sumundo sa kanya.
Nabatid na walang criminal record ang dalawa.
Agad nagpakalat ng bomb experts sa lugar ang pulisya at nagbalik sa normal na operasyon ang paliparan matapos ang halos isang oras.





Comments