Pugante balik-kulungan
CAMARINES SUR—Isang pugante ang balik-kulungan matapos madakip ng mga awtoridad, kamakalawa sa Sabang Port, San Jose sa lalawigang ito.
Nakilala ang suspek na si Herbie Marino na nakulong sa Virac City Jail dahil sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Nabatid na nakatakas si Marino sa pamamagitan ng pagsira sa ibabang bahagi ng kinapipiitan nitong selda.
Agad nagsagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad at makalipas ang ilang oras ay nadakip ang suspek sa Sabang Port sa nasabing bayan.





Comments