PARKS, INALOK NG P10.4-M NG ELITE PARA SA PBA GAME
- BULGAR

- Dec 27, 2018
- 1 min read

HINTAYIN na lang natin kung papayag na si Bobby Ray Parks Jr., na maglaro sa Blackwater Elite dahil tinaasan na ng team ang alok na halaga para sa rookie star.
Ayon sa mga ulat nitong nagdaang Pasko, nagbigay ng P10.4 million na maximum salary na offer kay Parks bilang No.2 overall pick para sa dalawang taon na kontrata kasunod ng hindi pagbibigay reaksiyon ng nasabing team.
Makatatanggap raw ng buwanang sahod si Parks, ayon sa terms of payment ng halagang P420,000. Una nang inalok ang bagong PBA rookie ng P5.4 million na sahod para sa 2 taon na kontrata. Samantala, kahit na nasungkit na niya ang PBA championship, nasa isip naman ng import na si Romeo Travis ang kalabang Alaska Aces.
Wish ng 32-anyos na si Travis para sa dating team ang goodluck at inaasahan niya ang team ni coach Alex Compton ay makasungkit din ng titulo sa susunod na mga conference.
“I really want those guys to really do well and succeed because I do have friends there and I do wish nothing but the best for those guys,” ani Travis bago umalis ng bansa pabalik ng U.S. kasama ng pamilya at doon mag-Pasko. (ATD / MC)





Comments