top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Pantawid Pasada Program, umarangkada na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 27, 2018
1 min read

MARAMI nang jeepney drivers ang nakakuha ng kanilang Pantawid Pasada cards.

Ito ay isang fuel subsidy mula sa gobyerno.

Batay sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, hanggang December 18, mula sa target na 171,836 beneficiaries, 71,519 fuel cards na ang naipamahagi o 41.62% completion rate.

Kabilang ang Metro Manila kung saan 12,653 sa 35,644 beneficiaries ang nakakuha na ng nasabing cards. Ito rin ang nangunguna sa may pinakamalaking bilang ng mga jeepney driver na benepisaryo ng Pantawid Pasada Program,

Kasunod ang Region 4 at ikatlo naman ang Region 3.

Samantala, puwede pang makuha ng mga driver ang kanilang fuel card subsidy sa susunod na taon at lalamanin nito ang P5, 000 subsidy para sa 2018 at dagdag na subsidiya para naman sa 2019.

Umaasa tayo na mas marami pang jeepney drivers ang mapabilang sa programang ito bilang tulong na rin sa kani-kanilang pamilya.

Hindi maitatanggi na sila ang isa sa pangunahing apektado sa tuwing sumisirit ang presyo ng petrolyo. Kaya dapat lang silang alalayan ng pamahalaan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page