Lalo na kung dehins ito nakatulong sa inyo, mga besh! MGA KATANGIAN NA KAILANGAN NATING IWANAN SA PA
- BULGAR

- Dec 27, 2018
- 3 min read

SA bilis ng panahon, 5 araw na lang Bagong Taon na naman, akalain mo ‘yan?
Bagong Taon na kaya dapat magbago na rin tayo, make sure lang na “for the better you” ang mga pagbabagong ito, gets? Narito ang ilang katangian na dapat iwanan sa pagtatapos ng 2018:
1. PROCRASTINATING. ‘Yung tipong pa-chill-chill lang tayo, pero marami pa pala tayong dapat gawin, tapos kapag malapit na ang deadline ay saka tayo mangangarag. Besh, tandaan mo, procrastination is a thief of time! Kaya sa darating na Bagong Taon, bago tayo mag-relax, make sure na tapos na natin ang mga bagay na dapat natin tapusin. Okidoki?
2. SAYING “YES” TO EVERYTHING AND ANYTHING. Tanggapin na natin na ang pagsasabi ng “no”, lalo na sa mga kaibigan ay napakahirap gawin dahil ayaw nating maging KJ o masabihan ng walang pakisama. Ito ang pag-uugali na dapat nating baguhin. Kaya ngayong Bagong Taon, bago mag-“yes”, make sure na gusto talaga natin ang gagawin at hindi hassle sa part natin, alam mo na?
3. OVERSPENDING. Hey, big spender! Sa darating na 2019 dapat matuto na tayong gumastos at mag-budget nang tama. Huwag tayong ubus-ubos-biyaya tapos bukas tunganga, friend!
4. OVERTHINKING. Stop na muna tayo sa pag-iisip tungkol sa mga bagay na hindi dapat intindihin at sa mga bagay na hindi na natin hawak, huwag nating gawing kumplikado ang buhay, para maiwasan nating mapunta sa difficult situation.
5. EATING TOO MUCH JUNK. ‘Ika nga, live your life in a healthier way, beshie, kaya umiwas na tayo sa mga unhealthy food sa darating na Bagong Taon. Kasabay nang pagtambay natin sa social media, mag-search din tayo kung anu-ano ang mga pagkaing mababa ang calories at i-practice nating ito ang kainin kada araw, Power at determinasyon lang ‘yan, beshie! Good luck!
6. KEEPING TOXIC PEOPLE IN YOUR LIFE. Nakapapagod ‘yung mga taong walang ginawa kundi hilahin tayo pababa, ‘yung tipong kahit okay ang ginagawa natin, eh, sa kanila kulang pa rin? Siguraduhin natin na sa 2019, pipiliin natin ang mga pagkakataon na makikisalamuha tayo sa mga ganitong klase ng tao. Hindi lang unhealthy food ang dapat iwasan, toxic people rin, gets?
7. BEING LATE. Alam nating super traffic talaga at ang paggising nang maaga ay hindi rin nakatutuwa, pero kailangan natin itong gawin para sa ekonomiya, chos! Kung gusto nating maging better person, dapat siguraduhin natin na ang simpleng pagpasok nang maaga ay keri nating gawin, okay?
8. FOCUSING ON THE NEGATIVE. Stop na sa pagiging “nega” at umpisahan natin ang taon na puno ng positivity! Iwanan na natin sa 2018 ang mga bagay na nagpapalungkot sa atin. Tandaan, palaging mayroong magandang bagay ang bawat sitwasyon — turuan lang natin ang sarili natin na tingnan ‘yun!
9. COMPARING YOURSELF TO OTHERS. Physical looks, achievements at iba pang bagay man ‘yan. Iwasan nating ikumpara ang sarili natin sa iba. Ang habit na ‘yan ay dapat talagang iwanan na. Tanggapin na natin kung ano ang mga bagay na mayroon at wala tayo. Gumawa tayo ng “extra effort” para ma-improve ang sarili natin hindi para manlamang sa iba kundi para maging inspirasyon sa ating kapwa.
10. BEING AFRAID. Sa darating na 2019, dapat fearless lang! Kung broken tayo noong 2018, gumawa tayo ng paraan upang mabuo tayong muli. Gayundin, huwag tayong matakot magkamali kasi rito tayo matututo at magiging better na tao.
Maraming pagkakataon ang masasayang kapag ipinairal natin ang pagiging duwag. Laban lang, beshie!
Constant ang pagbabago, nangyayari ito palagi at sa hindi inaasahang pagkakataon.
Okay lang naman mag-try, kung kering gawin, eh, di mas okay, at least, sinubukan natin at kung hindi, bawi na lang next time.
Hindi ganu’n kadali ang baguhin ang mga nakasanayan, pero ‘ika nga, mas okay na ang sumubok at nabigo kaysa sa hindi talaga sinubukan.





Comments