Kung last year, kasama… JOHN LLOYD, OUT SA X'MAS FAMILY PICTURE NINA ELLEN
- BULGAR

- Dec 27, 2018
- 1 min read

ABSENT si John Lloyd Cruz sa nakaraang family traditional Christmas ng buong Adarna clan.
Sa inilabas na larawan ng PEP.ph, kuha ang larawan sa Ayala Alabang kung saan nandu’n si Ellen Adarna at ang buo nilang pamilya ay nakasuot ng kulay pulang damit.
May dalawa ring batang lalaki sa larawan pero ‘di klaro kung sino rito ang anak nina John Lloyd at Ellen.
Kasama ang aktor sa traditional New Year picture ng Adarna family last year kung saan kasama pa rin nila noon ang namayapang ama ng sexy actress at kilalang businessman na si Mr. Alan Modesto Adarna bago ito sumakabilang-buhay nu’ng June, 2018.
Kamakailan naman ay nagkita si Ellen at ang kaibigang si Beauty Gonzalez. Ipinost ng huli ang larawan nila na magkasama at may caption na: “Hey stranger!”
Hanggang ngayon naman ay marami pa rin ang nag-aabang sa pagbabalik-showbiz ni John Lloyd at wala pa ring makapagsabi kung babalik pa nga ba ito sa pag-aartista o pipiliin na lang talaga ang isang pribadong buhay.
Ang nakarating lang sa amin ay masaya at kuntento ang aktor sa tahimik na buhay niya ngayon at ini-enjoy ang pagiging ama sa anak.





Comments