Kelot todas sa semplang
Pabs Hernandez III
Dec 27, 2018
1 min read
PANGASINAN—Isang 22-anyos na binata ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang sinasakyan nitong motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Baay, Lingayen sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Resly dela Cruz, residente ng nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol si Dela Cruz sa pagmamaneho kaya sumemplang ang kinalululanan nitong motorsiklo sa naturang lugar.
Dinala pa ng mga saksi si Dela Cruz sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments