top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Habang nasa U.S detention | 8-ANYOS DEDBOL

Jersey Sanchez
Dec 27, 2018
1 min read

BINAWIAN ng buhay ang isang 8-anyos na Guatemalan migrant habang nasa kustodiya ng U.S government.

Ayon sa U.S Customs and Boarder Protection (CBP), Disyembre 24 nang nasa kustodiya nila ang menor-de-edad at ama nito nang mapansin ng isang Boarder Patrol na may sakit ang bata.

Dinala sa Gerald Champion Regional Medical Center sa Alamogordom New Mexico ang mag-ama kung saan na-diagnosed na may lagnat ang bata at agad nakalabas sa pagamutan.

Ngunit, kinagabihan, nagsimulang magsuka ang bata dahilan para ibalik ito sa pagamutan at doon na ito binawian ng buhay.

Hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkasawi ng bata.

Matatandaang, may nasawi ring menor-de-edad ngayong buwan habang nasa U.S. detention.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page