top of page
Pokwang.jpg

Babala ng experts...Mga taong naghihilik, mas prone sa sakit sa pag-iisip!

Jersy Sanchez
Dec 27, 2018
2 min read

HIRAP ka bang matulog nang ma­himbing dahil sa sleep apnea at pag­hihilik? Naku, hin­di healthy ‘yan, lodi, dahil ang pag­hi­hilik umano ay maraming masa­mang epekto sa ating pisikal at mental na kalu­sugan. Weh, ‘di nga?

Mayroon nang na­imbentong pang-spray sa ilong kung saan na­kagagamot ito ng sleep apnea na sanhi ng pag­hi­hilik.

Ang spray ay may­roong hormone na tinatawag na leptin kung saan ito ay na­katutulong upang ma-regulate ang ating paghinga.

Ayon sa mga eks­perto, bukod sa na­ka­iistorbo ito sa pag­tulog kapag hindi ito nagamot, maaari itong magdulot ng pangmatagalang problema sa kalu­sugan tulad ng sakit sa puso.

Dagdag pa rito, kapag huminto ang pagdaloy ng hangin, babagsak din ang level ng oxygen sa katawan natin at kapag tumaas ang blood flow sa puso at utak, tumataas din ang presyon ng dugo.

Kapag madalas itong mangyari, re­gular ka nang maka­raranas ng pagtaas ng blood pressure kahit anumang oras at mataas ang tsan­sa na magkaroon ka ng stroke at atake sa puso.

Kaya ang leptin ang pinakamabi­sang makatutulong sa development ng baga mula sa pag­kabata hanggang sa pagbibinata o pag­da­dalaga ng indibid­wal.

Samantala, lu­mabas sa pagsusuri ng mga eksperto na ang leptin ay naka­tutulong upang ma­palakas ang reflex ng mga muscle sa daluyan ng hangin na mas epektibong nakapagko-con­tract dito.

Kapag nabuk­sang muli ang airway o daluyan ng hangin, mababawasan na ang bilang ng sleep apnea.

Bukod pa rito, ang leptin ay nakapag­papataas din ng oxy­gen level sa kata­wan.

Kaya ang payo ng mga eksperto, bu­kod sa pag-i-spray ng leptin sa ilong, si­guraduhin din na ang unan ay medyo mataas upang mas gumanda ang in­yong paghinga ha­bang natutulog nang sa gayun ay hindi rin maapektuhan ang inyong brain function.

Kaya mga lodi, ito na ang solusyon para magkaroon tayo nang mahimbing na tulog sa gabi.

Have a good sleep. Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page