Angkas, hindi lang pang-commuters, pang entrepreneurs din!

HELLO, Bulgarians! Dahil sa malaking pagbabago sa industriya hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ay sumasabay tayo sa henerasyon ngayon pagdating sa small at micro businesses.
Mas pinadali na ngayon ang pagbebenta at pagbibili dahil sa mga online shop tulad ng Lazada at Shopee. Malaki ang tulong nito sa mga small at micro entrepreneur dahil hindi na nila kailangan pang mag-rent ng puwesto, sa isang click lang ay makabebenta agad sila.
Hindi lang ‘yan, napakalaking ginhawa rin sa commuters ang apps kung saan nakakukuha agad ng sasakyan papasok man o pauwi tulad ng Grab.
Bukod pa rito, ang Angkas ay isa ring platform para sa mga may motor. Bilang bagong negosyante, mas madali silang makabibili ng motor dahil hindi lang ito ang pinakamurang service na maaari nilang magamit kundi ito rin ang pinakamadaling service kung tayo man ay susuong sa mahaba-habang traffic.
Kaya suportado nina Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship at Transportation Secretary Arthur Tugade na gumawa ng isang committee para maipagpatuloy pa rin ang Angkas sa industriya. Dahil ang Angkas ay well-trained at safe na may record na 99.997%!
Naniniwala si Concepcion na sa paglipas ng panahon ay marami pang ganitong platforms ang lalabas na nakapagbibigay din ng magandang serbisyo sa mga small at micro entrepreneur at mabigyan ng chance ang lahat ng Pilipino na maging successful sa kanilang pinapangarap na negosyo.
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments