top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sey ng experts... MAAGANG PAKIKIPAGRELASYON, GOOD SA HEALTH!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2018
2 min read

MADALAS ay mali ito sa mata ng mga matatanda, pero sa totoo lang, normal lang ang magmahal at wala itong eksaktong edad para maramdaman. ‘Yun nga lang, nagkakaproblema lang ito dahil kulang sa paggabay ang mga magulang, pero ayon sa mga eksperto, ang maagang pakikipagrelasyon umano ay maganda para sa kalusugan? Woah!

Ayon sa mga eksperto, marami umanong naidudulot na maganda ang maagang pakikipagrelasyon.

Ito ay sa kadahilanang, maraming kabataan ang namo-motivate ng kanilang mga kasintahan pagdating sa paggawa ng magagandang bagay tulad ng pag-aaral nang mabuti at pag-aalaga sa sarili.

Gayunman, upang mapatunayan ang pag-aaral, nagsagawa ng eksperimento ang mga dalubhasa kasama ang 500 kabataan na mayroong mga kasintahan.

Napag-alaman sa pag-aaral na 80 porsiyento ng mga kabataan ang mas nagiging produktibo ang araw nang dahil sa kanilang mga partner kung saan mas marami silang nagagawang mabuti sa kanilang buhay.

May ilan na nagsabing sila ay nagiging honor student, mas sumusunod sa mga magulang at naaalagaan nila ang kanilang sarili dahil may nagpapaalala sa kanila na uminom ng gamot at marami pang iba.

Samantala, bukod sa mga ito, ang maagang pakikipagrelasyon daw ay nakare-reduce ng stress, nakai-improve ng confidence at nakapagpapahaba ng buhay.

Gayundin, ayon sa mga kabataan, kakaibang ligaya ang kanilang nararamdaman sa tuwing alam nilang may nagmamahal sa kanila maliban sa kanilang pamilya.

Bagama’t, hindi natin tino-tolerate ang iba na wala pa talagang kakayahang pumasok sa isang relasyon, maaaring ang mga kabataang nasa edad 15 pataas ay puwede na basta’t gagabayan pa rin ng kanilang mga magulang upang hindi maligaw ng landas.

Kaya para sa mga mamshie natin diyan na worried tungkol sa pagkakaroon ng GF at BF ng ating mga anak, don’t worry dahil may mga pag-aaral na makatutulong sa inyong pagdedesisyon.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page