Sakto at marami kayong nakuhang aginaldo, mga besh! ILANG TIPS NA MAKATUTULONG SA LAHAT MATAPOS IPAG

NAGDAAN na ang pinakahihintay nating Pasko kaya hindi puwedeng nganga na lang tayo ngayon, mga lodi! Ha-ha-ha! Kaya naman narito ang ilang aktibidad na puwede ninyong gawin pagkatapos ng Pasko:
1. DECLUTTER AND DONATE. Ngayong nakatanggap ka ng mga bagong kagamitan sa nagdaang Pasko, mabuting mag-declutter ka ng mga bagay na sa tingin mo ay hindi mo na gagamitin ulit tulad ng damit o iba pang kagamitan.
Kapag tapos ka nang mag-declutter, puwedeng-puwede mo nang i-donate ang mga lumang bagay na nakuha mo. ‘Ika nga nila, share your blessings! Okie?
2. WATCH MOVIES. Hinding-hindi ito mawawala sa listahan ng mga puwede ninyong gawin lalo na ngayong maraming pelikula ang showing na tiyak na magugustuhan ninyo.
Kung hindi n’yo naman bet na makipagsabayan sa pila sa mga sinehan sa mall, puwede rin naman kayong mag-movie marathon sa inyong tahanan. Internet connection lang ang inyong kailangan at solve na!
3. GO TO AMUSEMENT PARKS. Dahil bakasyon pa rin naman, why not na subukang mamasyal sa amusement parks?
Siguradong matutuwa kayo na sumubok ng iba’t ibang uri ng rides dahil usung-uso ang ride-all-you-can promo.
Pero, bago kayo tuluyang sumakay sa rides, siguraduhin n’yo na hindi kayo busog kasi alam n‘yo na. He-he-he!
4. VISIT MUSEUM. Sa panahon ngayon, hindi na gaanong binibisita ang mga museum dahil karamihan sa pinupuntahan ng mga tao ay mall.
Magandang dalhin dito sina bagets dahil makikita sa mga museo ang mga bagay na may kinalaman sa kasaysayan.
Bukod sa nakapasyal kayo, may natutunan pang bago sina bagets. Oks ba?
5. SHOP AT BAZAARS. Yes, lodi! Puwedeng-puwede ka pa ring magshopping lalo na ngayong tapos na ang Pasko dahil siguradong mas maraming tiangge ang bukas pa rin at may mga sale pa.
Ngunit, tandaan, huwag kayo magpapanic-buying, bilhin n’yo lamang ang mga bagay na kailangan ninyo nang sa gayun ay hindi kayo manghinayang, pag-uwi ninyo. He-he-he!
Oh, ayan, mga beshy, tiyak na hindi kayo tatambay sa bahay at mag-i-scroll sa social media maghapon pagkatapos ng Pasko dahil for sure, ay may magugustuhan kayo sa mga aktibidad na inirekomenda namin.
Copy?





Comments