Patay sa tsunami, 373 na
TUMAAS pa sa 373 ang bilang ng mga nasawi habang 128 ang nawawala at 1,459 ang sugatan sa tsunami sa Indonesia.
Dahil sa tindi ng pinsala, nahirapan ang rescue teams na idaan ang heavy equipment.
Patuloy pa rin ang pagbibigay-paalala ng awtoridad sa mga residente na lumayo sa karagatan dahil sa banta ng tsunami.
Ayon sa Meteorology, Climatology and Geophysical Agency, posible pang mag-alburoto ang Anak Krakatau Volcano.
Pakiusap ng awtoridad sa publiko, huwag magpakalat ng maling impormasyon na posibleng magdulot ng matinding takot sa mamamayan.





Comments