Nagbago na ang lahat Ni: Aling Toyang

Nagbago na ang lahat, mula noong una
kitang mahagkan.
Matamis na ngiti tila nawala na lang nang bigla,
kailan ko kaya ito muling makikita?
Nagbago na ang lahat sa ating dalawa,
dating relasyon na kayganda ay napakapait na.
Darating pa ba ang panahon na maibabalik
natin ang dating masayang relasyon?
Marahil, hindi na dahil nagbago ka na,
mga sinumpaang salita ay napako na.
Masakit, pero kailangang tanggapin
na ito ay
tinapos mo na at kahit kailan ay hindi na mauulit pa.
Nagbago na ang lahat sa relasyong ating iningatan,
hindi na tayo kasintamis ng kendi na nabibili sa tindahan.
Para tayong ampalaya na kahit hugasan ay hindi maaalis
ang pait na nararamdaman.
Hindi bale, kahit nagbago na ang lahat, sa pagsalubong sa
Bagong Taon, tiyak na may panibagong pag-ibig na darating
sa ating dalawa na siya nang magbibigay ng tunay at wagas na
ligaya at pagsasama.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments