Magnitude 6.4 sa Tonga
Jersy Sanchez
Dec 26, 2018
1 min read
NIYANIG ng Magnitude 6.4 na lindol ang Tonga noong Lunes ng umaga.
Ayon sa US Geological Survey, nangyari ang lindol 94 kilometro mula sa Houma, Tonga.
Naganap ang lindol alas-7:08 ng umaga (Philippine time).
Naramdaman ang pagyanig sa Fiji at Niue.
Iniimbestigahan pa ng awtoridad kung may natamong pinsala sa insidente.





Comments