top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Lalo na ‘yung may mga mahal sa buhay na OFWs... IBA’T IBANG PARAAN UPANG DEHINS MA-FEEL NA HINDI KAS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2018
  • 2 min read

TAPOS na ang Pasko, pero ramdam pa rin natin ang kagalakan ng maraming tao at hindi pa rito natatapos ang pagsasaya natin dahil mala­pit nang sumapit ang Bagong Taon. Kaya lang, may ilan sa atin na hindi kasama ang mga mahal nila sa buhay dahil nasa malalayong lugar ang mga ito para magtrabaho kaya mara­hil malungkot sila ngayon, pero para dehins tayo tulu­yang maging emo, narito ang ilang tips upang hindi natin maramdaman na may kulang sa atin ngayong Holiday Season:

1. VIDEO CALL. Usung-uso na ang iba’t ibang klase ng gadgets ngayon. At tiyak na afford na rin ito ng karamihan, kaya no excuse para hindi n’yo maka-video-call ang mga mahal ninyo sa buhay ngayong

Holiday Sea­son. Kung dati, eh, sumu­sulat pa tayo sa kanila, nga­yon ay one call away na lang sila. Bongga!

2. HAVE A COMPANION. Kahit hindi natin kasa­ma ang ating pamilya, make sure na may taong nand’yan para sa atin, puwedeng dyo­wa o mga kaibigan, basta may kasama, oks na ‘yan! Hi-hi-hi!

3. UPDATE. Palagi kayong mag-update sa mga mahal ninyo sa buhay nang sa gayun ay alam nila kung ano ang ginagawa ninyo — handa, suot at marami pang bagay na gusto nilang mala­man, gayundin kung ano ang gusto ninyong malaman mula sa kanila.

4. GIFT GIVING. Hindi porke malayo sa isa’t isa, eh, exempted na sa pag­bibigay ng regalo, maraming paraan upang makapag­regalo tayo, basta may budget, keri rin ito. Ha-ha-ha! Kaya make sure na may ipon kayo, copy?

5. STOP BEING EMO. Huwag kang magmukmok sa sulok dahil tiyak na malu­lungkot ka n’yan, besh! Ma­kisali ka sa mga laro at activity na inihanda ng iyong mga kaibigan. Huwag mong i-deprived ‘yung sarili mo na mag-isa ka lang at walang nagmamahal sa iyo. Isipin mo na lang na lahat ng tao ay may kani-kanya ring pinagdaraanan sa buhay.

6. ALWAYS SMILE. Basta may ngiti, may saya, kaya make sure na hindi ninyo makalilimutan na ngumiti kahit malayo kayo sa inyong pamilya. Hindi ba, kapag nakangiti tayo, eh, magiging masaya rin sila para sa atin at hindi nila mara­ramdaman na may pagku­kulang sila sa atin?

7. REMEMBER THAT YOU ARE LOVED. Palagi ninyong tatandaan na kahit malayo ang inyong mga mahal sa buhay, hindi mai­aalis ang pagmamahal na mayroon sila sa inyo, kaya hindi n’yo kailangang ma­lungkot dahil pumapangit ang mga nakasimangot! He-he-he!

8. YOLO. You only lived once, lodi! Kaya huwag kayong senti r’yan! Dapat palagi kayong maging posi­tibo sa buhay lalo na at marami kayong panahon para makasama ang inyong mga kaibigan, kaeskuwela, kapitbahay at marami pang iba.

9. PREPARATION FOR THE FUTURE. Yes, mga besh! Para hindi kayo malungkot, isipin n’yo na ang ginagawa ng mga magulang ninyo, eh, para sa inyong kinabukasan. Kaya kahit malungkot, masaya pa rin kaysa magutom tayo nang buong taon. Hi-hi-hi!

10. OPPORTUNITIES. Malay mo, next Holiday Season, eh, nandu’n na rin kayo sa ibang bansa o magkakasama na kayo dahil nakapag-ipon na kayo para sa future kaya dehins n’yo na kakailanganing magsak­ripisyo pa. Oh, ‘di ba, bongga?

Kaya ngayong Holiday Season, ang paalala sa inyo, bawal ang sad, okie?

Dapat happy lang tayo! Ho-ho-ho!

Okie?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page