top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kaya make sure na gawin n’yo na ito, bago kayo mag-anak, mamsh! PAGBABAWAS NG TIMBANG, EPEKTIB NA PA

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 26, 2018
2 min read

KADALASANG pinagbabawas ng timbang ang mga buntis upang hindi sila mahirapan sa panganganak, ngunit, ayon sa mga eksperto, ang pagbabawas ng timbang ng mga kababaihan ay dapat daw gawin bago sila magbuntis. Hmmm…

Ayon sa Royal College of Obstetricians and Gynaecologists, 22 porsiyento ng buntis ay overweight, 22 porsiyento ay obese at ang natitira sa kanila ay underweight.

Dagdag pa rito, ang pagka-obese o overweight ng ina habang nagbubuntis ay maaaring maging dahilan ng miscarriage, stillbirth, premature labor o ceasarean.

Maliban pa rito, ang kalusugan ng ina ay apektado rin tulad ng pagkakaroon ng blood clot sa binti at baga, gestational diabetes, high blood pressure at problema sa mental health.

Ayon sa mga eksperto, ang mga sanggol na may ina na overweight at obese ay may tsansa na magkaroon ng Type 2 diabetes at maging obese rin sa kanilang pagtanda.

Bagama’t, maraming kababaihan ang nagda-diet at nag-eehersisyo habang buntis, hindi ito inirerekomenda ng mga eksperto. Ang pagbabawas ng tim­bang sa pamamagitan ng diet, exercise at dietary supplements habang buntis ay hindi inirereko­men­da ng mga eksperto dahil maaari rin itong magdulot ng komplikasyon sa sanggol habang nasa sinapupunan pa lang sila.

Kaya, pinapayuhan ng mga eksperto ang mga kababaihan na magbawas ng timbang bago sila magbuntis dahil hindi maganda ang pagbabawas ng timbang habang buntis dahil may hindi magandang epekto ito sa sanggol.

Sa ganito, hindi lang ang inyong kalusugan ang maisasalba ninyo kundi maging ang kalusugan ng magiging anak ninyo.

Kaya make sure, pag-isipan ninyong mabuti ang mga hakbang na ito, okie?

Lalo na sa mga nagbabalak nang magka-baby. Hi-hi-hi!

Kaya sa mga sissy natin na ready nang maging mamshie riyan, alam n’yo na ang dapat gawin, ha? Have a healthy baby!

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page