top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bida ng movie, 'di nakatiis, nagsalita na… HIRIT NI VICE: RICHARD AT DINGDONG, IPINARAMDAM SA A

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 26, 2018
  • 1 min read

SA nasabi ring panayam, nag­kuwento si Vice sa working relationship nila sa shooting ng mga leading men niyang sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

“Fantastic sila kasi team players sila. They are both fantastic kasi hindi nila ipinaram­dam sa akin na mahirap silang katra­baho.

“Iba ang tingin ko sa lalaking mabuting makitungo sa bakla. Kasi, ‘di ba, ‘yung mga lalaki, alam mo na ‘yung kaka­yahan nilang makitungo sa mga kapwa nila lalaki at sa mga babae?

“Sa mga kapwa nila lalaki, maayos silang makitungo, mas lalo na sa mga babae. Pero kapag mabuti silang makitungo sa bakla, mas lalo kong ina-appreciate ang pagkatao nu’ng lalaki.

“Si Dong at si Richard, hindi naman sila mga pangkaraniwang lalaki. Iba ang estado nila. Pero hindi nila ipina­ramdam sa akin na, ‘Bakla ka.’

“Ipinaramdam nila sa akin na, ‘Ka­trabaho ka namin at pantay-pantay tayo rito.’ Kaya fantastic sila para sa akin,” sey pa ni Vice.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page