After 18 years | PEKENG PARI, BUKING
SIBAK ang isang lalaki matapos magpanggap na pari sa loob ng labingwalong taon sa Spain.
Kinilala ang akusadong si Miguel Angel Ibarra na nagsasagawa ng kasal at binyag sa Colombia at Southern Spain.
Inireklamo sa Colombia si Ibarra dahilan para malaman na isa itong impostor.
Pineke umano ng akusado ang mga dokumento, ayon sa nagreklamo.
Batay sa imbestigasyon, hindi naordinahan sa Simbahan si Ibarra at pinababalik na ito sa Colombia.
Samantala, nilinaw ng Simbahan na kikilalanin pa ang mga seremonyang ginawa ng pekeng pari.





Comments