top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

13th Parol Festival, ipinagdiwang ng mga Las Piñeros!

Thea Janica Teh
Dec 26, 2018
2 min read

HELLO, Bulgarians! Nagsama-sama ang residente ng Las Piñas City noong Dec. 14, 2018 sa SIPAG Grounds sa kanilang ika-13 taon ng Parol Festival na pinangunahan ni Sen. Cynthia Villar at ilang representatives mula sa local government.

Sinimulan ang kasiyahan sa parada ng mga parol na gawa ng mga taga-Las Piñas. Ito ay kompetisyon mula sa pinakamagagandang parol na gawa mula sa recycled materials tulad ng plastic, plastic bottles, shells, bamboo, straw, coconut husk at marami pang iba. Bagama’t, 18 ang mga kasali, tatlo lamang ang nag-uwi ng prizes. Ang mga nagwagi ay sina 2nd runner-up Dolores Alifaro na nag-uwi ng P10, 000, 1st runner-up Rogelio Apuli na nag-uwi ng P15, 000 at ang itinanghal na Grand Winner ngayong taon na si Merlito Menchero na nag-uwi ng P20, 000.

Sabi ni Sen. Villar, kulang ang tirahan ng bawat Pilipino kung walang parol na nakasabit sa pagsapit ng Pasko at ipinagmamalaki niya ang gawa ng mga Las Piñeros dahil sa ipinamalas nitong pagkamalikhain sa pagbuo ng parol. Kaya hindi mapagkakailang makararating ang kani­lang gawa sa Cultural Center of the Philippines (CCP) at hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Gayun­din, kasabay ng pagdiri­wang ng Parol Festival ang kaarawan ni dating Senador Manny Villar.

Hindi lang ‘yan dahil kahit naging maulan ang araw na ito ay pinainit naman ang dance floor ng mga chikiting sa kanilang inihandang street dance na pinaglabanan ng iba’t ibang eskuwelahan sa Las Piñas. Iba’t ibang pasabog ang kanilang ipinakita, ipinamalas din ang kanilang costumes at props na lalong nagpaganda sa kanilang performance. Nauwi ng Manuyo Elementary School, Ilaya at Las Piñas Central ang 3rd place at P20, 000. Samantala, nauwi naman ng Almanza Elementary School Annex at Pilar Village Elementary School ang 2nd place at P30, 000. Mula sa nakaraang taon, naiuwing muli at naging back-to-back champion ang CAA Elementary school, CAA Elementary Annex at Gatchalian Elementary School na nag-uwi ng P50,000!

♥♥♥

Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page